Isang kalendaryong punong-puno, saan ko pa kaya isisingit ang sarili ko?
Minsan naiisip ko na lumiliit na ang mundo ko dahil sa sobrang pagiging masipag ko sa pag-aaral. Araw - araw, sa tuwing gumigising ako, bukod sa pagpapasalamat kay God na buhay pa ko, school works agad naiisip ko. Bago matulog ay isang tambak na deadline ang nasa huling laman ng isip ko. Hindi ko na nga mawari kung paano hahatiin ang oras ko. (sana nga'y may clone na lamang ako!) Minsan naman ay naiinggit ako sa ibang tao na madalas kong nakikitang masaya at enjoy lamang sa buhay nila. Sa tuwing pagmamasdan ko sila tinatanong ko ang sarili ko kung masaya nga ba ako sa ganitong buhay kaya ko ito ginagawa o ginagawa ko na lamang ito dahil kailangan, dahil nakasanayan ko na at higit sa lahat, dahil ito ang inaasahan ng lahat mula sa akin?
Paano nga ba ako makakangiti sa kabila ng lahat? Sa kabila ng sabay sabay na gawain tulad ng documentarty, thesis, photo shooting, community newspaper in Aplayang Munti, term paper, critique paper, reflection paper - at madamai pa - paano nga ba ako makakatawa? Paano ko ieenjoy ang lahat kung dahil sa dami ng dapat kong gawin at asikasuhin ay pati ang work ko sa office at ang scholarship ko ay naaapektuhan? Paano ko masasabing okay lang ang lahat kung sa tuwing makikita ko ang supervisor ko ay pakiramdam ko iniisp nya na umaabuso na ako sa pagabasent ko sa office?
Kapag tinatanong ko ang lahat ng ito sa sarili ko, hinihiling ko na lang na sana maging maayos ang lahat at sinasabi ko na lang sa sarili ko na masaya naman ang lahat kung kaya nananatili akong nakangiti. Pero sa likod naman ng mga ngiti na iyon ay pagkapagod at lungkot. Hindi na ako nakakauwi sa tatay ko dahil sa dami kong ginagawa. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko, namimiss ko na ang tumawa ng malakas hindi dahil gusto ko kung hindi dahil nabigla ang puso ko sa saya.
Nakakasakal na minsan. Nakakasakal ang schedule. Nakakasakal ang walang sawang pagenglish sa lahat nga papers. (minsan nga nagiging maarte na ko, kahit simpleng usapan lang english na gamit ko). Pero alam ko na magreklamo man ako ay wala din naman akong magagawa kaya naman ginagawa ko na lang ang lahat ng makakaya ko at pinapangiti ko na lang ang sarili ko. Ayun, humuhugot ako ng saya sa ibang bagay.
Kanina halos di ko maalis sa isip ko yung alternating current. Sa dami ng ginagawa ko naisisingit ko pa ang pag-iisip ko sa kanya (eh ang pahinga nga para sa sarili ko ay di ko na mahanapan ng oras). Kahit anu talaga gawin ko at sabihin, kahit may iba pang nakilala ang puso ko, hindi pa din sya makakalimutan nito. Ewan ko ba kung bakit. Nakangiti ako ngayong araw na ito kasi nagenjoy ako tignan pictures nya. IMBA. may puwang pa ba? Sana di ko lang naiisip to kasi naghahanap ako ng kalinga at ng kasama at ng pagmamahal. Alam ko naman. Mahirap na pero ito kasi ang pulso ng kuryente ng puso ko. Anu magagawa ko? Kahit ilang minuto lang, hinayaan ko angsarili kong isipin syang muli.

No comments:
Post a Comment